Nasaan Ka Na?
tandang tanda ko pa nung tayo pang dalawa
araw-araw masaya gabi-gabi kapiling ka
sa bawat sandali ako'y iyong nilalambing
pag ika'y kausap na Mahal kita bukang bibig
ngunit nagbago ka na. pagmamahal mo ay nawala.
ang tamis ng 'yong halik
mga yakap mong kay higpit
hinahanap-hanap ko
sana ikaw ay narito
mahal nasaan ka na?
bakit iniwan mo ako?
bakit tuluyang lumayo?
ikaw ba'y nagsawa na?
ako ba'y nagkulang sa iyo?
sabihin mo. sabihin mo mahal.
tandang-tanda ko pa nung tayo ay unang nagkita.
di ka pa nagsalita puso ko'y nabihag na
nung ako'y sinuyo mo ikaw ay nangako
magpakailampaman ako lang ang pag-ibig mo
ngunit nagbago ka na. pangako mo'y nilimot mo na.
mahal nasaan ka na?
bakit iniwan mo ako?
bakit tuluyang lumayo?
ikaw ba'y nagsawa na?
ako ba'y nagkulang sa iyo?
sabihin mo. sabihin mo mahal.
------------------------------------------------
Nasaan ka na? Nasaan na siya?